Bakasyon, kay tagal na hinintay dumating para matigil lamang ang mga sunod sunod na exams at walang katuturang mga requirements. Ngayong dumating na s’ya, nag tataka na ako kung kailangang maging ganito ba ito ka-boooring…
Makalipas ang dalawang araw ng bakasyon, wala parin akong nagagawang makabuluhan sa bahay.. (maliban na lang sa konting pagwawalis at paglalampaso ng sahig) Nanonood nalang ako ng DVD buong maghapon… sana naman di ito matulad sa unang dvd.. Inaabangan ko nga pala yung DVD na Azumi na ipapahiram kay siobe ni ‘bespren’ haha
Inakala ko na makapag lalaro na ako ng basketball kasama ang mga batchmates na wala daw ginawa kungdi mag-aral kuno… Pero hinde, ngayon ko lang naalala na di magkasabay ang sembreaks ng UP mga ibang school… Excited na excited pa naman na akong maglaro… heto o, maayos na ang kalagayan ng aking ever reliable na paa… medyo kaya ko na ulet mag tap-board o kaya mag jump smash…para yan lang eh, pinagyabang pa Speaking of jump smashes, mukhang mapapanood ko ang Japan Open 2006 semi finals bukas! Lin Dan vs. Peter Gade, Taufik Hidayat vs. Lee Chong Wei!!! It can’t get any better than this… okay, pick ko sa Taufik…Biased.. Idol eh…
Speaking of Badminton, tagal ko ng huminto sa paglalaro… *sabay bilang sa daliri* lampas 2 taon narin ang nakalipas since nag quit ako sa badminton ng Kiao Tiong… Ngunit ngayon kelangan ko ulet maglaro dahil ito ang nakuha kong PE dito sa Peyups… Hulaan nyo ang prof… starts with a letter C… hahaha Okay, fule, marx, robin or kung sino mang kalaro ko dati, mag laro na tayo!! kelangan ko ulet ng hardcore training para hindi maka "5" kay Caces.. oops.. nadulas..haha
Oo nga pala, tungkol sa NCR-wide na black out last month… (october nga ba yun!?) 3 araw lang namang alang kuryente… Dun ko lang nalaman na mahal na mahal ko na pala itong keyboard, mouse, monitor, cpu at modem ko! napaka boring pala ng buhay kung wala ang computer.. tsk tsk…
heto nanaman, alas dose y media na ng umaga, nagsisimula nanamang mag piano si Mozart sa kwarto ko… cge, kelangan ko na siyang patigilin bago pa magising ang buong barangay…….