Lagi nalang umuulan… parang walang katapusan…
Wednesday, September 27th, 2006*Salamat Cueshe sa title*
Haayy… ala nanamang pasok, postponed nanaman ang mga test at heto ako ngayon, matutulog nanaman ng 2 imbis na nag-aaral… tsk tsk Sana may pasok bukas para matapos na ang practicals na ‘to!
okay class, nandito nanaman ako para mag balik tanaw sa mga pangyayari sa mga nakalipas na linggo… una, ang mga exams na walang ginawa kungdi magpahirap sa mga estudyante… hinde, hindi naman sa ayaw ko ng exams… sa totoo pa nga, AYAW NA AYAW KO SA KANILA!!! dahil sa kanila, kelangan ko pang magbasa ng mga pagkakapal-kapal na libro na inaanay na ata sa bahay… di ko rin lubos maisip ngayon kung para saan pa ang drawing at electromagnetic waves sa buhay ng isang tao… (sorry na po sir arciaga, alam ko namang di ako naging mabuting estudyante)
Oonga pala, bago ko makalimutan… Salamat nga pala Dave sa masarap na Kenny na pinakain mo sa amin ni matsing, este Robin pala… (super belated dave!) Sa totoo lang nabusog ako eh, hayan compliment yan, minsan lang akong mabusog… ty nga rin pala sa isang game ng bowling… Oo na Robin, naka tsamba ka lang sa mga strike mo nung sabado!!! swerte ka lang nun… o cge, aminan na… tambak ako sa bowling ng 30 pts sa unggoy na yun… sa di malamang kadahilanan, ang galing niyang mag bowling, diretsong diretso ang hagis ng bola… at ang sakin naman, kahit anung pilit na ideretso, pilit paring pumpunta sa ‘kanal’ (exag ito!)… teka lang Dave, kaklase kita ng 11 taon simula pa ng kinder… ang hindi ko maintidihan ay kung ilang beses ka nga bang nag bbirthday sa isang taon?..
Pagkatapos mag enjoy sa RP, binalak ko ng bumalik ng UP para sa CWTS party… Kaso sa Quiapo, Mamang katabi sa FX: anak ng ***** naman o! bukas pa ako makkarating nito sa fairview… di ko alam kung pinariringgan lang nya ang driver o talgang banas lang sya sa trapik tulad ko… sa loob ng 1 oras sa FX, natulog ako at nagtiis sa katabi kong ’super boy yosi’… broooom brooom… yeheyy!!! nasa espana na ako!!! 630 na! aabot pa ba ako sa party? okay, abot pa, sabi kasi ni master derek 530 yung simula.. so mga 8 magttapos yun… broom broom ulet… umusad ng konti ang FX, 7:15 na pala!? o ano? abot ka pa?! tsk tsk… sa pagod at inis sa bagal ng usad, napagdesisyunan ko nlang na di na pumunta at sa halip ay umuwi nalang… badtrip… nakakahiya sa mga groupmates kong pumunta sa party… (nalaman ko sa huli na 3 rin lang pala silang pumunta sa party! langhyang groupmates!!! haha)
Nagtapos ang linggo sa pagkatalo ng UST sa Ateneo… nakakainis… bakit pa kasi may natira pang 1 second sa game clock!?? grooowlll!!! Go USTe!!! <= sabi ng mga kapit bahay…haha
Tapos na ang busy week, at ngayon linggo abala naman ako sa pag hahanap ng recipe!
Reader: Ano kamo!??
Ako: bingi ka ba!? recipe!!!
Reader: para saan!?
Ako: Magluluto ako…
Reader: Marunong ka? Para saan?
Ako: Para sa ChE 2 nga!!!
Reader: Chemical engg yun ah? baket magluluto!???
Ako: (umuusok na ang ulo sa kkasagot) mahabang storya, magbasa ka na lang!!!
*kachink* *bang!* bagsak si reader..huhu
*background music: sound of silence*
Sorry Reader… So ayun, magluluto daw kami ng mga potahe na pwedeng apply-an ng chemical concepts na naituro sa ChE2… Cream of Mushroom Soup ang appetizer, Tuna Penne ang main course at cake ang dessert… Sana ako yung tiga-tikim……
Hayan… natapos nanaman ang isang linggog puno ng kabuluhan sa buhay ni beni… @Reader: wag mong isiping makabuluhan talaga ang buhay ko at busy ako… di ko lang talaga sinulat ang mga iba ko pang pinag kakaabalahan: tulog, kain, tulog, kain, computer, tv, tulog na ako… bbye!!!