Archive for June, 2006

okey… bloggeng taym!!!

Tuesday, June 27th, 2006

walang OL, walang magawa, medyo tinatamad mag-aral at mamaya pa ang bbol… kalikutin ko kaya ang sophisticated blog ng fster?…

okay, ang blog ko ngayon ay tungkol sa mga pangyyari kahapon. alam ko, marahil walang kwenta, pero WALA NA AKONG MAGAWA eh!!! simulan kahapon, nabasa ko yung blog ni cj tungkol sa ES1 plate, tsk tsk… sarap itapon, 4 na items, tapos na ako sa 3 in 1.5 hrs, ang tinagal ko sa isa pang item? another 1.5 hrs!!! WTH! sumakit ang likod ko, mata ko, kamay ko at ang leeg ko sa kka-tutok sa aking obra-maestra, ‘rectifying an arclength’… tadaa, natapos ko rin, puro bura, este, hindi na nga mabura yung iba dahil sa diin ng drawing ko eh… bahala na yung SA na alamin kung anu ba yung ARC dun sa drawing ko…

Pagkatapos, pumunta ako ng UP tower (seryoso?! tower ba ang 20 ft.!?) para mag rappel, awa ng diyos, nakapag rappel din ako ng 4 na beses bago dumagsa ang tao… talo pa ang pila sa sinehan… oo nga pala, napagalitan ako ng isa sa mga nagtturo ng rappelling. tinanggal ko kasi yung ‘carab’ habang nasa kalagitnaan ako ng pag rrappel, o ha!? kaya nyo yon!? FYI, nakababa ako ng maayos!!! wahahaha

Ang haba ng pila sa rappelling, na-bore ako, tinamad at inantok sa pila. Pumunta na lang ako sa GYM para manood ng UP game vs. Athletes in Action (composed by american lower division and free agent players). para simulan, ang mga foreign players na ito ay medyo kakaiba, medyo nag-ppreach sila about christianity, meron pa nga silang questionnaire/survey tungkol sa faith sa GOD eh… okay fast forward, half time na… aba ang tindi, meron pang oras para makipag- fans chat ang mga kano, ala NBA CARES pa ang porma!!! Nagkwento pa tungkol sa isang langgam… Wag na nga, bukas pa ako matapos nito eh… Basta ang moral lesson daw, don’t give up, live your dreams and be humble… lol

Tungkol sa game, maganda naman ang kinalabasan para sa UP, 19 points lang ata tambak, 112-93… yes, that gives us, up students, something to cheer about… magagaling ang mga na-recruit ni Coach Joe ngayon ah… oo nga pala, madami ng shooter ang Peyups, seryoso, naka-20 ata silang 3 eh… maliban sa mga 3, sa mga Kano na lahat ng highlights, two-handed dunk ni ‘devin harris,’ mga di mabilang na 3 ni ‘dirk’ at mga putback ni tim thomas…haha sabi sa inyo eh, pormang NBA talaga…

Sige na, kokopya pa ako ng P6 72, este gagawa ng lab. manual… bbay!!!!!

————-

Saturday, June 17th, 2006

simula nanaman ng bagong taon sa pag-aaral. as usual, first day of school, walang nagpakitang prof. Sa UP, may extension ang bakasyon ng prof at estudyante ng isang araw, ganun dito, pero pano nman sa mga katulad kong pumapasok sa first day?

okay, walang kinalaman sa topic sa itaas. Nanalo nanaman ang Heat, 2-2 na!!! di ako makapaniwala. kahit na ayoko sa Dallas, Dirk Badingzki at Mark Cuban, inaasahan ko na tatapusin nila ng maaga ang finals na ito. Bakit? teka lang, ilan ba sa Heat ang marunong dumepensa?! Mourning - check, Shaq - check, Wade - check, Haslem - check… Ang mga patalo, J. Williams - XXXX, Payton - XXXX, Walker - XXXX… Di ko alam kung hanggang kailan aasa ang Heat sa opensa ni Wade, pero isa lang ang masasabi ko, wala… *ehem ehem* WALANG makakapigil kay Wade… ganun rin kay Badingzki, este Nowitzki, pero ang lamya maglaro eh… haha

Okay, usapang UP ito. Bakit may nahuli nanamang raliyista sa UP-PGH?! teka lang, bago pa ba itong balitang to? hinuli ang 2 mag-aaral at isang staff dahil sa pagsigaw ng mga bagay na tulad ng ‘patumbahin si GMA.’ Pero kung tuition fee increase lamang ang inirereklamo nila, dapat ay ‘no to tuition fee hike’ man lang ang kanilang isinigaw, oo, mahaba itong isigaw at nkka-ubos laway, pero mabuti na ito kaysa mabugbog at mahuli na pulis.

Kadikit na ng imahe ng UP ang pagiging radikal, mga ralyista, mga "Cao Huan" ayon nga sa mga kaklase ko dati sa HS. Kaya nga mag-isa lang akong pumunta ng UP eh, karamihan sa kanila ay ayaw dun… bakit? naniniwala ba talaga silang puro rally at gulo ang nangyayari sa loob ng campus? Base sa aking karanasan, ang mga nagpapakalat ng mga ganoong istorya ay yung mga taong di man lamang nakatungtong sa UP… naka-isang taon na ako dito sa unibersidad na ito, at sasabihin ko sa inyo, napaka liit ng pursyento ng mga mag-aaral ang sumasabak sa rally. Ni-wala nga man lang atang nakikinig sa mga aktibista kung pumapasok sila sa klase upang hikayatin kaming sumama sa kanila eh…

Para kay Ate Glo, hi! sana huwag na magkaroon ng budget cut at sa halip ay magkaroon ng increase.  Kasi kahit yung Physics class ko, nawalan na ng aircon eh… (inaabangan ko pa nman ang cool atmosphere!)

grounded…

Sunday, June 4th, 2006

4 na araw na ang nakakalipas simula ng magkaroon ako ng sakit sa di malamang kadahilanan… malamang ay dahil ito sa pagtulog ko ng 1-2 ng madaling araw (is it finally taking its toll?)… nakana, ayoko ng ganito, di mkapag dota, di makapag bsketbol, di makalabas ng bahay… wheeww… buti nalang sa wedenesday pa ang enrolment… kaya may oras pa…

*glug glug (tinutungga ang extra strong cough syrup)