Archive for May, 2006

After half a year of absence…. (this will be a lengthy one)

Sunday, May 28th, 2006

hmm… since english ang title, malamang na magtagalog nalang ako sa pagsulat para kakaiba naman…

halos kalahating taon na nkalipas simula nung huli kong galawin itong napaka hitech na blogs ng friendster… madami ng bagay ang nangyari, may kwenta at walang kwenta, boring at di boring, mpag kkitaan o hinde…

magsimula kung saan ako ng tapos ng huling post… end ng first sem… napakaganda talaga ng GWA ko… the best 2.02… sino nagssabing 1st sem ang pinakamadaling sem sa lahat?! unang una, yun ang sem na hindi ako (gaano?) nahirapan sa pag-aaral, para lamang ma-frustrate sa mga teacher na kuripot at mga di nagcurve… yep, di nag curve, ang galing, highest namin 2.00 sa subj. na yun… well, halos walang kwenta ang first sem maliban sa PE, Math 17 (oo!) at dota (J3 thanks sa pag aya sa aking mag dota!)…

PE - masaya, makulit ang mga teammates, LALO na yung COACH!!! hi ser Daj! :D out of 9 games, we won 8.. eventually ending up in second place… thanks partially to our coach na isang beses lang pumunta sa aming matches… haha

Math 17 - nandito mga ka-block ko at mga unang nakilala ko sa UP… nagtiis sa mga jokes ni leyson… pati na ang mga nakakaloko nyang hirit at test… basta masaya, kahit na under ‘Math 17′ ito…

DotA - wooohooo!!! marunong na ako maglaro! Warcraft III lang pala itong laro na ito, pero fan-based ang mga maps so mas masayang laruin kaysa mga korning gawa ng blizzard… kung wala ‘tong larong ito malamang ay tulog lang ako ng sabado at linggo…

Okay… second sem na…

Second sem, physics, calculus at chem… anu pa bang gugustuhin ng isang nerd!? wala akong PE.. tsk tsk, chess na nga lang di pa ako nkakuha sa CRS… yun na nga ata ang pinaka-tiring na sport, kaya siguro napakadaming kumuha nun para maging PE…

Physics 71-71.1 - kungdi lang dahil gusto ko ang physics ay siguro lumagpak narin ako sa subject na ito… hindi siya katulad ng HS physics na plug mo lang ang given ay kuha na ang sagot… ang mga concepts na tinuturo ay mahirap ring ma-imagine… heto, anu mangyyari sa isang bolang gumugulong sa frictionless surface? eh-eh!!! mali! di iyon gugulong dahil frictionless nga!!! okay… ganun tlaga, buti nlang makwela si Ma’am Ponce kungdi tulog na ako bawat class… 71.1 - hi sir aries (aristotle)! idol si sir, isa pala sa hilig nya ang dota… kasundo ko tuloy sya…haha

Math 53 - dito ko natutunan na talgang applicable ang formulas ng calculus sa chem at physics… ayon sa malupit kong teacher na si sir Job, mga henyo daw ang mga EGYPTiAN… birain mo, paano nila na-integrate ang A(y) dy para makuha ang volume ng PYRAMID!!! hangang-hanga rin si sir sa mga ancient Romans, paano daw kaya sila nag-mmultiply ng numbers nuon? C x V = D kitams, tama!ang daming pang mga malulupit na teorya nitong si sir Job, kaya nga idol ko to eh! seryoso ako!!! hahaha oo nga pala, bayani daw ng calculus si Isaac Newton! lol

Chem 16 - naku, ang pinaka gustong subject sa lahat… di ko alam kung bakit ba kelangan alamin ang mga chemical compounds at ang stoichometry… di nman ako si MacGyver para gamitin ang science sa pang araw-araw na buhay…

o hayan, siguro yan nlang muna para sa ngayon…

mas maganda nga pala ang kinalabasan ng 2nd sem ko kaysa first sem… grade ko sa 2nd sem… 1.6 hahaha :D wheew… hardwork pays off, almost…