Archive for October, 2005

malapit na ang second sem…

Monday, October 24th, 2005

Sa wakas… Wala na akong maagang klase…

ang kapalit, hanggang 5:15 na and uwian ko… 6pm nananman ako makkarating sa bahay ko niyan eh… math pa yung last subject, sana wag akong antukin… sana…

eto: copy and paste - from CRS.. hehe

Mon Tue Wed Thu Fri Sat
10:00- 12:00 Chem 16 Chem 16 Physics 71.1
12:00 - 1:00
1:00 - 2:00 Physics 71 Physics 71 Physics 71 Physics 71
2:00 - 2:30
2:30 - 4:00 Chem 16 ArtStud 2 Chem 16 Art Stud 2
4:00 - 5:15 Math 53 Math 53 Math 53 Math 53

…………………….

oct 15 - 11:55 pm Mga Kagila-gilalas na mga Lakwatsa ni Beni… wahehe

Saturday, October 15th, 2005

hayan.. wala nanamang magawa…

anyway, lumabas na yung pre-enlistment results ng CRS…

mganda ang kinalabasan… nakuha ako sa mga majors ko… physics 71, chem 16, phys 71.1 at…. wait!!! nasan na yung math 53 na 5 units!!!??? holy cow!!! sa lahat ba naman ng pwedeng mawala eh yung math pa!!!? tsk tsk… wala na kong choice at nag pre-enlist ulit para sa math 53, iintayin nlang sa oct 23 kung natanggap ako dun…

     Bago yan, kaninang umaga pumunta ako ng old school, syempre, para mag bbol… kaya lang… madalas nangyayari ang di inaasahan… sarado ang ring… di nnman 2loy… di pa ako tinext ni joey boy na di pala tuloy… yan… pare pareho 2loy kaming nakatambay dun sa labas ng skul - nagtataka kung anu pang pwedeng magawa, wag lang mag mukhang mga sekyu sa tapat ng gate…

    Sa awa ng diyos, nagpakita nalang kung saan sina jaime at dom… sumama na lang ako sa USTE magbbol… ang kapal no! naka damit pang UP pa ko nung naglaro! buti nalang mabait rin naman pala mga tao dun… ok lang nman sa kanila… tsaka masarap nga pala yung black gulaman at crab strips nila sa USTE…. pero wala paring tatalo sa FISHBALL at ISAW ng PEYUPS!!! lolz

    Matapos maglaro ng basketball, nilakad ko nalang pauwi ng bahay.. whoo… sh**t.. ang layo ng bahay ko.. mga 2 blocks away! XD :D AT mula ng nakauwi ako, eto, nasa tapat ako ng computer… :D okay.. 12 am na sakto… tama na.. bb!!

picking up where i left off…

Monday, October 10th, 2005

Sembreak na…

noong pasukan pa ay gustong gusto ko na mag sembreak, para nman puro 2log nalang ang gawin ko sa bahay. at ngayon, unang araw palang ng sembreak ay batong bato na ako sa bahay. heto, nakaupo ako sa harap ng computer at nag iisip ng susunod na gagawin…

para ituloy yung blogs ko sa UAAP, oo, wala nnman ang UP sa final 4… hindi tayo pwedeng mangarap na mapunta sa final four kung gayung wala gaanong puso mag laro ang ating mga players… no offense mga tiga UP, isipin niyo, dapat bang makasama ang UP sa final four na kinabibilangan ng mga team na katulad na UE, Ateneo, La Salle at FEU??? malamang di nagkkalayo ang galing ng UP sa kanila, pero nakita niyo ba sila kung paano maglaro ang mga team na ‘to??? oo, tama, nagllaro silang na parang wala nang bukas… inilalabas lahat ng makakaya upang manalo. di ko na kailangang pang patunayan ‘to dahil kitang kita naman sa laro ng UE at La Salle ang kanilang "press" na kinakailangan ng matinding sipag at determinasyon upang maisagawa –ayon nga sa PE coach namin… di ko rin sinasabing tamad ang mga tiga UP, sabihin na nating masisipag rin, ngunit di lahat ay gumagawa…

sembreak na… 2 araw makalipas ang math finals namin…

inis na inis ako dun sa araw na kung saan nag finals kami ng math, di dahil sobrang hirap ng test, kung di dahil narin sa sarili kong kalokohan… inakala kong bukas ang shortcut papuntang chem pav. dun sa as walk, ngunit sarado ito. nilapitan ko pa yung gate, "ay walang hiya, sarado nga!!!" wala na akong iba pang magagawa kung hindi ikuting ang AS upang mapunta sa likod nito kung saan nandoon ang entrance ng chem. ang daling gawin diba? ikot ka lang nman ng AS eh, anung mahirap duN!?   oops, umuulan nga pala ng pagkalakas lakas nung araw na yun, dumating ako dun sa chem ng basang basa… nagtetest na ko nang bigla kong naisipang mag palit ng damit (may baon ako!), pero lalo akong na bad trip dahil pati ang dala kong extra T-Shirt ay basa rin!!!! alanghya!!! bukod sa natuyuan ako ng damit at shorts habang nagttest, nabasa rin naman ang blue book ko… para sa di pa nakakranas na mang yari yun, OO, ANG HIRAP MAGSULAT SA BASANG PAHINA NG BLUE BOOK!!! NABUTAS PA NGA YUNG BLUE BOOK DAHIL SA ANSWER KO EH!!

Ayun… ang swerte ng araw ko, late na ako ng halos 20 mins. sa test, basa pa akong nag answer ng finals ko… astig diba!??

….. wala nnamang maisip, 11:45 na, gutom na ko… may dalang ulam ang mga kapatid ko galing sa skul nila (namin, dati)… inaabangan ko rin kung sinong mananalo sa baseball, NY yanks ba o LA angels?… di ako marunogn maglaro ng baseball, pero alam ko nman kung paano ito nilalaro… naku, talo nnman ata ang yankees, pang asar talaga…

o sige na, layas na ako… talagang gutom na eh… :D