woohoo! X-mas break!!!

December 16th, 2006 by bichua71688

malamig ang simoooy ng… tsktsk… di pala totoong malamig kapag X-mas season… pabugso bugso hangin lang tapos ang room temp. (ayon sa thermo-clock) ay 32degrees… Pero kahit na mainit, sa wakas ay nagkaroon narin ng pagkkataong makapag pahinga at makalikot ang blogs dito sa fster… sipag ko no? nde, wala lang magawa…hehe

======================================================================
EWOC nnaman ang IEC!!! woohooo!!! 18th ewoc na ng iec, pero this time, may na-contribute naman ako khit papaano…
1st - bbol quiz show *salamat kay Bimbo, and dakilang BS NBA*
2nd - dodgengg *kahit na hindi kami naglaro ng finals*
1st - IEC bbol *di akalaing magcchampion, pero nakatsamba hehe*
1st - street ball *eventually pinanalo rin nila bruce at daven*
Nth place - smoker’s *basically, nakipag gag*han lang sa ibang org..hehe

Hindi na ulet ako magllaro ng street ball, hehe, mas nakakapagod pa ‘to sa tunay na basketball! 8ft ata ang ring, pero kung ang bbantayan mo naman na kalaban ay mas malaki at mas matangkad sa’yo.. ah eh.. wag na lang…hehe na-sprain pa ang right wrist ko sa larong ito..tsktsk.. reverse dunk nalang, nauna pang tumama ang kamay… alteast pasok naman..haha

====================================================================
mga 1st LE’s entering the X-mas season… nakakaasar… di ako gaanong nag-aral.. feeling distracted at walang pumapasok sa utak… sana maganda ang kalabasan ng onse at econ Le’s… Mdami pa palang dapat intindihin… Test sa es21, readings sa philo1 at socsci 2…waaaaah!!!

====================================================================

ASIAN GAMES BADMINTON
Ag1
Ag13

woohooo!!! favorite topic ko ito ngayon!!! bad boy Taufik fulfills another promise… defending his AG gold medal… After losing 2 straight games to world number 1 Lin Dan, nakabawi din si Taufik, taking the match which matters the most… giving his country Indonesia a GOLD… ang hirap talaga maging prodigy… (kunwari ramdam ko) masyadong mataas ang expectation sa kanya, lalo na as a former world #1 at 18 yrs. of age… *clap clap* *singing of the national anthem*

In other games, Malaysia has its first gold in 36 years in badminton… courtesy of surprise men’s doubles finalist KKK/ TBH (mahirap i-spell)… ang galing, a combination of a 19 and a 21-year old winning the gold medal??? haneeep…

====================================================================

X-mas season

Uuwi sina Diko at Ah-ma… yahooo!!! masaya ako.. dahiiiill.. dagdag Angpao…hehe jokes… Di ko rin maintindihan kung bakit mayroong ‘happy’ aura ang X-mas… kahit na si God lang talaga ang nakakaalam kung DEC. 25 nga ba talaga ang birthday ni Jesus… Bahala na nga, ang labo kasi ng church eh…

"On December 25, Christians around the world celebrate
the birth of Christ. The origins of the holiday are uncertain; by the
year 336, however, the Christian church in Rome observed the Feast of
the Nativity on December 25. At that time, Christmas coincided with the winter solstice
and the Roman Festival of Saturnalia. Today, observations of Christmas
incorporate the secular and religious traditions of many cultures, from
the ancient Roman practice of decorating homes with evergreens and
exchanging gifts at the New Year to the Celtic Yule log."

http://memory.loc.gov/ammem/today/dec25.html

======================================================================

I need extra baon/income/money/pera!!! nag iipon ako to buy an MP 99 or maybe a second-hand original AT700, or maybe a victor Supernano 1… malapit na ang XMAS!!! sana mabusog ulet si piggy bank!!! hehehe :D

wala nnamang pasok…

November 29th, 2006 by bichua71688

yipee! wala nanamang pasok! makkatulog nnaman ako buong araw… wala akong ggawin ngayon kungdi kumain lang..wahaha

On the darker side: pano na yung lessons sa es21 at onse??? mammove kaya ang exam dahil walang meeting ngayon thurs??? aahh.. sanaaa…

ang sarap mag basket kahapon! kahit sumakit ang tuhod at paa ko… tuhod dahil sa weight training na kinuha ko.. over fatigued daw… sinabi kasi ni sir, 3 sets, 30 daw.. kala ko tuloy isang set 30! 90 ata nagawa ko kaya namanhid ang aking tuhod..tsktsk Di nanaman ako satisfied sa game.. kainis, 0-6 ako sa tres! lampas lahat ng tira.. pagtapos ng game, umurong ako ng 1-2 feet beyond the arc… ayun naman pala eh… pasok na! haha

sumabay ako kay jb hanggang aurora, tapos pagsakay ko sa lrt, may nag iisang babae na nakatayo.. tapos may nakita akong space na bakante dun sa gitna ng dalawang lalake.. tapos tinanong ko yung babae: "miss, gusto nyo bang umupo? may bakante doon." tapos nagtinginan yung mga lalake, patay mali yung mga kolokoy… umiling nalang yung babae sa sobrang hiya… tsktsk.. ang lalaking tao ng mga yun, tapos hindi man lang nahiya.. shamee!!
sa dahilan ding yan kaya halos di na ako umuupo sa lrt… nkkaawa silang nakatayo, matanda, bata, aso, pusa, daga..

classes starts now!

November 18th, 2006 by bichua71688

Bye GE’s, easier math, chem and physics subjects… Hello to bloody ES series and socsci 2 (sana di ‘to mabasa ni mam)……

i guess ES 11 is worth the hype that it’s receiving after all.. since this sem has started, all the familiar names under my IE-blockmates list began disappearing like bubbles.. (j3, exempted ka! lol) I’m starting to feel that i’m the only one who has time to check my mail everyday (and of course, nba :D).. Am I relaxing too much or is it just my classmates are beginning to feel the horror that is onse?

ES 11 - Our prof told us that there was an exam last year which only had a 10% passing rate.. 50 out of 500… iniisip ko tuloy na kung sakali ay mapapasama ako dun sa 50.. parang ang hirap.. lalo na kapag kaklase mo na sila roana, 49 na lang ang possible "passing slots" peace!!! hehe
The first meeting of 11 was booring… it was a review of physics 71… tensions holding the trees blah blah blah… using graphical method when we can use the much much easier component method.. raar!

Econ 100.1 - Macroeconomics… Economics is everywhere <- Sir De Dios "We economists take the view from the top, while business managers are only concerned with running their company" I think it indirectly states that BA students are selfish.. (haha kidding) Sir De Dios is really funny, he’s greatly amazed by powerpoint animations…he keeps on replaying the animation and says, "wanna see it again? galing no?" *the dot moving from the demand curve to the "inefficient" area under the curve*

ES21 - another laughing session during MTh’s… Kulet talaga ni sir templo… ngayon ko lang nalaman na pede pala maging magaling ang walang sagot…hahaha 21 is just like math 54, with a different approach in solving problems… (tama ba hula? haha)

Philo 1 - may be the most interesting class this sem… The class starts off with this question: What is philo, science and religion? diffrentiate them… A student defined religion as something related to faith and belief and blah blah.. she was an english speaker who may have thought that her answer was enough to satisfy sir Muega.. Sir countered with, "what is faith and belief? do they always come together?" The poor girl sulked in her chair.. with only whispers leaving her mouth… all right, if i’m going to write the whole discussion here, it’s going to take forever… basta, yun na yun, philosophical questions are answered by critical thinking! TAPOS!

Soc Sci 2 - Eto na ata ang class na pinaka pag bubuhusan ko ng pagod… simply put: 90-94 is just 1.5 in this class!!! 98-100 is 1.00… Ma’am Delias asked us after the class if we had anymore questions.. i raised my hand and asked, "ma’am when was the last time that a student got an uno from you?" she’s murmured something like: "last sem, it was 1.5, the last year it was 1.25…" Unable to remember if there was any, she said: "may naka 1.00 na the last year…" tumahimik ang class, para bang ayaw maniwala…lol

6/10 lang pala ako sa first quiz…:D

PE - weight training… finally, pumayag din ang prof sa prerog… wheew… magaling mag explain si sir diaz! ang dami kong natutunan about our body and weight training sa kanya… basta, ginawa niyang interesting ang PE… about badminton, ma’am caces told me and another student: "if you have played badminton before, then you will just be wasting your time here because i’m going to teach basic badminton" tapos, huminga (haba ng sinabi eh)… "i advise you to take PEPE (PE proficiency exam) because it will save your time and it will be credited as a PE." Ayun, willing na willing pa si ma’am na i-cancel yung "PE BD" ko dun sa form 5 A… Yung PEPE ng badminton ay sa february pa pala.. tsktsk, sadly, credited daw yun sa next year pa! raaar!

so that’s about everything this week… sundan na lang ang susunod na kabanata…

NOV. 1

November 2nd, 2006 by bichua71688

Naging napaka-tiring nang Nov. 1
dahil ang daming closed routes, di kami makaabot sa chinese cemetery… halos 2 kms. nlang daw ang lalakarin, estimate ni papa… hala, naimagine ko agad ang haba ng acad oval… tsk tsk.. madali sanang lakarin kung wala kang buhat buhat na mga prutas at kung anu man na iaalay dba?.. pagdating sa CGH, npagdesisyunan namin na kinabukasan nalang itutuloy ang pagdalaw sa sementeryo… dumiretso nalang kami sa SM tayuman… namili ng konti at kumain ng marami… Chef d’ Angelo ata pangalan ng resto… sinubukan lang… masarap ang pizza nila.. pero yung spag nila,,,mas masarap pa ata gumawa ng spaghetti ang shoti ko…haha masyadong maasim  ang panlasa ng mga italyano.. ibang klase na nga ang spaghetti eh. Hindi Spaghetti na nilagyan ng sauce, kung di sauce na nilagyan ng spaghetti… wahaha (sana na-gets) Sinubukan rin namin yung ala quarter pounder nila… malaki nga naman, MALAKI talaga, hearty burger daw… okay naman yung lasa.. ayoko lang yung bun, kasi parang sa bakery lang sa tabi tabi nabili eh, parang tasty lang…haha

Pagkauwi ng bahay, narealize ko na malapit na mag expire ang load ko.. good bye 40+ pesos… di narin ako makapasa ng load for today.. huhu bbay……

(fill in the blank)

November 2nd, 2006 by bichua71688

Sinipag nanamang magtype sa blog…
kwento nalang kung anu nangyari sa pagllaro namin nina fule, marx at marc (wang)..

ayun, tambak ako kay marc wang.. wahaha pinlit ko namang ilabas ang dating kkayanan eh.. kaso mukhang di na kaya… ayoko naman idahilan ang matagal na paghinto sa laro at ang katandaan?… 15-8, 15-9 at 15-4 ang mga score… di ko alam kung maiimpress ako sa sarili ko dahil medyo, MEDYO ayos naman ang pinakita ko… Kaso talagang malaki lang talaga ang ginaling netong si marc.. sineseryoso ata ang mga training ng varsity… pati gamit lahat yonex.. para bang may sponsor eh.. (idol!!) haha naalala ko tuloy yung pagkalaki laki niyang bag na kasing laki ko ata…

Ayaw ng pag-usapan ang tambakan, naisahan namin ni fule si marx at marc… wahhaha nakahabol from 5 pts down… tapos nanalo sa 123… Salamat narin partially kay marx na ginawang 3 on 1 ang laban imbis na doubles (2 on 2)… haha jokes… de, sa totoo lang ang ganda nga ng mga serve ni marx eh… dbaa?..(no pun intended) kaso medyo nagmalfunction lang sila nung hule kaya nakahabol kami…

Oo nga pala, nakita ko na ang kinakapatid ng aking ARMORFAKE 700!!! Ang galing nga eh, parehong pareho ng serial number at date of manufacture ang mga racket namin ni marx! haha nakapagtataka? hinde, kapag sa raon ka bumili…wahaha

quotes of the day:
fule: "lalamunin ko lahat ng sa likod! basta ikaw sa harap beni!"
ang galeng, matapos sabihin, nagmintis sa isang chance ball.. wahaha buti nalang di ko ginaya…

marx: "pumayat na nga ako eh"
seryoso? 190+ lbs. nalang daw siya… NEEDS IMPROVEMENT..

Yahoo!!!

October 27th, 2006 by bichua71688

Una sa lahat maraming salamat kay matsing, este Robin sa pakikipaglaro sa akin ng badminton sa loob ng 3 oras… Ayan, napagbigyan niya ako kahit na meron pa siyang klase ng alas dose at meron ding  ppuntahang debut pagkatapos nuon… TY ulet! *sana ay di ka natulog sa klase mo at nagkaroon ka pa ng lakas na pumunta ng debut hehe*

Sa wakas, di na boring ang sem break ko! nakapaglaro na ulit ako matapos ang 2 taong paghinto… masakit nanaman ang aking katawan, paa at braso… pero normal na feeling lang to… (masochistic ang labas hehe) Oo nga pala, makikipaglaro nnaman ako kila Marx at Fule bukas ng 1 sa Citismash… paging robin: kung may lakas ka pa ay join ka samin sa citismash…hehe kung sakali lang………

*currently listening to canon rock* <- galiing!!! :D http://www.youtube.com/watch?v=QjA5faZF1A8
copy & paste:
arranged by: JerryC
played by: Funtwo (jeong hyun-lim)

Ang galeng ni DOM!

October 19th, 2006 by bichua71688

Namangha ako sa mga opinyon ni DOM… Tsk tsk… Iba talaga kapag batikan na sa nasabing larangan…haha THANKS DOM!!! :D (okay na kahit pinag antay mo ako sa SM ng 30 mins. haha)

still on the brighter side, nasa final 16 nanaman si Taufik… Again, I’m expecting a Taufik/ Lin Dan final… I hope this time it would be more exciting… <- sa mga di nakarelate okay lang…

Walang gana…

October 18th, 2006 by bichua71688

aaahh… nawalan akong gana… di ko alam kung malungkot ba o nasiraan ako ng loob… tsk tsk… pano kasi napunta doon ang usapan eh…

A head-heavy racket…

October 16th, 2006 by bichua71688

Sa di malamang dahilan, nagbigay ako ng regalo para sa sarili ko…
pero bibili na nga lang ako ng regalo, ja-fakes pa…hehe

i bought an AT 700 racket imitation… Same materials used, same design… aaand.. wrong spelling nga lang ang mga nakasulat na words sa racket!!! hahaha

okay, overall it was a good buy… 650 lang ang bili ko… as compared sa 8000-9000 php na totoong presyo nito… plus the string which costs 350 php… pede na, ashaway ang string eh…haha

after konting shadow plays with the AT 700, medyo sumakit na braso ko, para bang ng kka-cramps… first time to nangyari sa tinagal tagal kong naglalaro ng badminton… tsk tsk…
hindi ko alam kung dahil ba head-heavy balanced ang racket or talagang mabigat lang ang mga imitations… tsk  tsk saakit ng braso kooo!!!

glossary:
head-heavy balance - the weight of the racket is concentrated in its head to increase hitting power.
    Pros: Stronger smashes and clears
    Cons: Maneuverability, heavy head results to slower motion
AT 700 - Yonex Armortec 700. 3rd edition of yonex armortec products
Ja-fakes - nabili lang sa Raon o kaya sa Divisoria =D

AT 700 specs:At700
3U/ 4U
G2, 3, 4, 5
tension: 19-22 (recommended)            

*I have mine strung at 25 lbs =)*

sana hindi umusok ang DVD…

October 14th, 2006 by bichua71688

Bakasyon, kay tagal na hinintay dumating para matigil lamang ang mga sunod sunod na exams at walang katuturang mga requirements. Ngayong dumating na s’ya, nag tataka na ako kung kailangang maging ganito ba ito ka-boooring…

Makalipas ang dalawang araw ng bakasyon, wala parin akong nagagawang makabuluhan sa bahay.. (maliban na lang sa konting pagwawalis at paglalampaso ng sahig) Nanonood nalang ako ng DVD buong maghapon… sana naman di ito matulad sa unang dvd.. Inaabangan ko nga pala yung DVD na Azumi na ipapahiram kay siobe ni ‘bespren’ haha

Inakala ko na makapag lalaro na ako ng basketball kasama ang mga batchmates na wala daw ginawa kungdi mag-aral kuno… Pero hinde, ngayon ko lang naalala na di magkasabay ang sembreaks ng UP mga ibang school… Excited na excited pa naman na akong maglaro… heto o, maayos na ang kalagayan ng aking ever reliable na paa… medyo kaya ko na ulet mag tap-board o kaya mag jump smash…para yan lang eh, pinagyabang pa Speaking of jump smashes, mukhang mapapanood ko ang Japan Open 2006 semi finals bukas! Lin Dan vs. Peter Gade, Taufik Hidayat vs. Lee Chong Wei!!! It can’t get any better than this… okay, pick ko sa Taufik…Biased.. Idol eh…

Speaking of Badminton, tagal ko ng huminto sa paglalaro… *sabay bilang sa daliri* lampas 2 taon narin ang nakalipas since nag quit ako sa badminton ng Kiao Tiong… Ngunit ngayon kelangan ko ulet maglaro dahil ito ang nakuha kong PE dito sa Peyups… Hulaan nyo ang prof… starts with a letter C… hahaha Okay, fule, marx, robin or kung sino mang kalaro ko dati, mag laro na tayo!! kelangan ko ulet ng hardcore training para hindi maka "5" kay Caces.. oops.. nadulas..haha

Oo nga pala, tungkol sa NCR-wide na black out last month… (october nga ba yun!?) 3 araw lang namang alang kuryente… Dun ko lang nalaman na mahal na mahal ko na pala itong keyboard, mouse, monitor, cpu at modem ko! napaka boring pala ng buhay kung wala ang computer.. tsk tsk…

heto nanaman, alas dose y media na ng umaga, nagsisimula nanamang mag piano si Mozart sa kwarto ko…  cge, kelangan ko na siyang patigilin bago pa magising ang buong barangay…….